Paano Gumawa ng Sarili Mong Trading Strategy: Step-by-Step na Gabay
Hindi kailangang maging komplikado ang isang trading strategy. Kailangan mo lang magpasya kung anong mga asset ang gusto mong i-trade, kailan ka papasok at lalabas sa isang trade, at kung gaano kalaking risk ang kaya mong tanggapin. Pagkatapos, maaari mong subukan ang mga itinakda mong panuntunan at suriin ang mga resulta.
Kung gusto mong malaman kung paano gumawa ng sarili mong trading strategy, tutulungan ka ng step-by-step na gabay na ito na bumuo ng malinaw na trading plan na maaari mong subukan sa aktuwal na paggamit.
Hakbang 1: Tukuyin ang iyong mga layunin at kakayahang tumanggap ng risk
Bago pumili ng mga technical indicator o maghanap ng entry signal, magsimula muna sa pagsusuri ng sarili mong mga layunin at kakayahan.
Tanungin ang sarili ng ilang mahahalagang bagay:
- Ano ang gusto mong makamit sa trading?
- Gaano karaming oras ang kaya mong ilaan sa pagsubaybay at pagsusuri ng market?
- Magkano ang handa mong ipagsapalaran?
Halimbawa, maaaring iba ang diskarte ng isang taong kayang mag-monitor ng mga chart nang ilang oras araw-araw kumpara sa isang taong may 20 minuto lang tuwing gabi.
Hakbang 2: Piliin ang market at timeframe
Susunod, magpasya kung anong mga asset ang gusto mong i-trade. Maaari kang mag-focus sa mga currency, stock, commodity, index, o iba pang available na financial instrument. Hindi mo kailangang mag-trade sa lahat ng market nang sabay-sabay. Mas madaling maunawaan ang karaniwang galaw ng isang market kung doon ka muna magpo-focus.
Pagkatapos, pumili ng angkop na timeframe.
Para sa short-term trading, maaari kang gumamit ng 1-minute o 5-minute chart. Samantala, kung mas matagal mong planong panatilihing bukas ang iyong mga posisyon, maaaring mas angkop ang hourly o daily chart.
Kung nagsisimula ka pa lang gumawa ng trading strategy, mas mabuting panatilihin itong simple. Pumili ng isang market at isa o dalawang timeframe. Pag-aralan muna kung paano gumagalaw ang presyo bago magdagdag ng iba pang tool at variable.
Hakbang 3: Magtakda ng malinaw na entry at exit rules
Tukuyin nang eksakto kung anong mga kondisyon ang dapat matugunan bago ka magbukas at magsara ng trade.
Iwasan ang mga malabong panuntunan tulad ng “Papasok ako sa trade kapag mukhang tataas ang market.” Masyadong nakadepende sa personal na interpretasyon ang ganitong desisyon. Maaaring tumingin ang dalawang trader sa iisang chart pero magkaroon ng magkaibang konklusyon.
Sa halip, magtakda ng mga partikular na kondisyon. Halimbawa, maaaring kabilang sa iyong mga panuntunan ang mga sumusunod:
- Magbukas ng trade kapag lumitaw ang isang partikular na price pattern
- Kumpirmahin ang signal gamit ang isang technical indicator
- Huwag magbukas ng trade kung hindi natutugunan ng kondisyon ng market ang iyong mga pamantayan
- Isara ang trade kapag naabot na ang itinakdang target
Ang mga entry at exit rule na ito ang dapat maging pundasyon ng iyong trading strategy. Nasa sa iyo kung anong mga indicator at signal ang gagamitin. Ang mahalaga ay alam mo na kung ano mismo ang hahanapin bago ka magbukas ng trade.
Mas madali ring subukan ang isang strategy kapag malinaw ang mga panuntunan nito. Kung palagi mong binabago ang iyong desisyon sa bawat galaw ng market, mahihirapan kang malaman kung talagang epektibo ang iyong strategy o nagkataon lang na sinuwerte ka.
Hakbang 4: Magtakda ng mga panuntunan sa risk management
Mahalaga ring paghandaan kung ano ang gagawin mo kapag gumalaw ang market nang taliwas sa iyong inaasahan.
Magpasya nang maaga kung magkano ang handa mong ipagsapalaran sa bawat trade at kung paano mo haharapin ang sunod-sunod na pagkalugi. Maaari ka ring magtakda ng mga pangkalahatang limitasyon sa iyong trading activity, tulad ng maximum na bilang ng mga trade o maximum na pagkalugi sa bawat session.
Halimbawa, maaaring kabilang sa iyong trading plan ang mga sumusunod na panuntunan:
- Ipagsapalaran lamang ang halagang itinakda mo na para sa bawat trade
- Huwag dagdagan ang halaga ng susunod na trade dahil lang nalugi ang nauna
- Huminto sa trading kapag naabot na ang itinakdang daily loss limit
- Huwag magbukas ng trade para lang mabawi ang mga naunang pagkalugi
Ang eksaktong halaga at mga limitasyon ay nakadepende sa iyong personal na sitwasyon at napiling strategy.
Hakbang 5: Subukan ang iyong strategy sa isang demo account
Huwag magmadaling magsimula ng trading gamit ang totoong pera. Subukan muna kung paano gumagana ang iyong strategy sa isang simulated trading environment.
Sa Quotex, maaari mong subukan ang iyong strategy gamit ang demo account. Mayroon itong virtual funds at nagbibigay ng access sa mga trading tool na available sa platform. Sa ganitong paraan, maaari kang magpraktis, gamitin ang iyong strategy, at suriin ang mga resulta nang hindi isinasapanganib ang totoong pera.
Hakbang 6: Magtala sa trading journal at suriin ang mga resulta
Makakatulong ang trading journal para mas maintindihan mo kung bakit mo ginawa ang bawat desisyon at kung ano ang naging resulta nito.
Para sa bawat trade, maaari mong itala ang mga sumusunod:
- Petsa at oras
- Market at timeframe
- Entry at exit points
- Dahilan ng pagbubukas ng trade
- Dahilan ng pagsasara ng trade
- Resulta
Ang simpleng paraan ng pagtatala sa trading journal na ito ay makakatulong sa iyong matukoy ang mga pattern na maaaring hindi mo mapansin kapag sinusuri mo ang bawat trade nang magkakahiwalay.
Maaaring matuklasan mong mas maganda ang performance ng iyong strategy sa ilang partikular na kondisyon ng market. O baka mapansin mong madalas kang pumasok sa trade nang masyadong maaga. Posible rin na maayos naman ang iyong mga panuntunan, pero paulit-ulit mong hindi nasusunod ang mga ito pagkatapos ng isang trade na nalugi.
At tandaan, ang pagbuo ng trading strategy ay isang tuloy-tuloy na proseso. Gumagawa ka ng mga panuntunan, sinusubukan ang mga ito, nangongolekta ng data, sinusuri ang mga resulta, at maingat na gumagawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.




